Add parallel Print Page Options

Nang marinig nilang siya'y nagsasalita sa wikang Hebreo, lalo pa silang tumahimik. Nagpatuloy si Pablo, “Ako'y (A) isang Judio na ipinanganak sa Tarso ng Cilicia, ngunit pinalaki rito sa Jerusalem. Sa ilalim ng pagtuturo ni Gamaliel ay mahigpit akong sinanay ayon sa Kautusan ng ating mga ninuno. Masigasig ako sa paglilingkod sa Diyos, tulad ninyong lahat ngayon. Pinag-usig ko (B) ang mga tagasunod ng Daang ito hanggang sila'y mapatay. Ipinagapos ko sila at ipinabilanggo, maging lalaki at babae.

Read full chapter