Font Size
Mga Gawa 2:29-31
Magandang Balita Biblia
Mga Gawa 2:29-31
Magandang Balita Biblia
29 “Mga kapatid, may katiyakang sinasabi ko sa inyo na ang ninuno nating si David ay namatay at inilibing, at naririto ang kanyang libingan hanggang ngayon. 30 Siya'y(A) propeta at alam niya ang pangako sa kanya ng Diyos, na magiging haring tulad niya ang isang magmumula sa kanyang angkan. 31 Noon pa man ay nakita na ni David ang muling pagkabuhay ng Cristo at ipinahayag niya ito nang kanyang sabihing, ‘hindi siya pinabayaan sa daigdig ng mga patay,[a] at hindi nakaranas ng pagkabulok ang kanyang katawan.’
Read full chapterFootnotes
- Mga Gawa 2:31 daigdig ng mga patay: Sa Griego ay Hades .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.