Add parallel Print Page Options

Nang makarating sila sa Jerusalem, malugod silang tinanggap ng buong iglesya, ng mga apostol at ng matatanda. Iniulat nila ang lahat ng bagay na ginawa ng Diyos sa pamamagitan nila. Subalit tumindig ang ilang kaanib sa pangkat ng mga Fariseo at nagsabi, “Kailangang tuliin ang mga Hentil at utusang sundin ang Kautusan ni Moises.” Nagtipon ang mga apostol at ang matatanda upang pag-usapan ang bagay na ito.

Read full chapter