Add parallel Print Page Options

Ang Paghihiwalay nina Pablo at Bernabe

36 Makaraan ang ilang araw, sinabi ni Pablo kay Bernabe, “Balikan natin at dalawin ang mga kapatid sa bawat lungsod na pinangaralan natin ng salita ng Panginoon, at tingnan natin kung ano ang kalagayan nila.” 37 Nais ni Bernabe na kanilang isama si Juan, na tinatawag ding Marcos. 38 Ngunit (A) iginiit ni Pablo na huwag itong isama, sapagkat humiwalay ito noon at mula sa Pamfilia ay hindi na sumama sa kanilang gawain.

Read full chapter