Font Size
Mga Gawa 15:19-21
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Gawa 15:19-21
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
19 Nagpatuloy si Santiago, “Kaya't ang pasya ko'y huwag nating pahirapan ang mga Hentil na lumalapit sa Diyos. 20 Sa(A) halip, sulatan natin sila na huwag kumain ng anumang inihandog sa diyus-diyosan, huwag makikiapid, at huwag kakain ng hayop [na binigti][a] at ng dugo. 21 Sapagkat mula pa noong unang panahon, ang Kautusan ni Moises ay binabasa na sa mga sinagoga tuwing Araw ng Pamamahinga at ang aral niya ay itinuturo sa bawat bayan.”
Read full chapterFootnotes
- 20 na binigti: Sa ibang manuskrito’y hindi nakasulat ang mga salitang ito.