Add parallel Print Page Options

Ang Pagbabalik sa Antioquia

21 Ipinangaral nila ang Magandang Balita sa lungsod na iyon, at ginawang mga alagad ang marami. Pagkatapos nito'y nagbalik sila sa Listra, sa Iconio, at sa Antioquia, 22 habang pinatatatag ang loob ng mga alagad, at pinapayuhang manatiling tapat sa pananampalataya. Sinabi nila, “Daranas tayo ng maraming kapighatian bago tayo makapasok sa kaharian ng Diyos.” 23 Nagtalaga sila sa bawat iglesya ng matatandang tagapamahala. Matapos manalangin na may pag-aayuno, sila ay kanilang itinagubilin sa Panginoon na kanilang sinampalatayanan.

Read full chapter