Font Size
Mga Gawa 14:1-2
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Gawa 14:1-2
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Sa Iconio
14 Gayundin ang nangyari sa Iconio; sina Pablo at Bernabe ay pumasok sa sinagoga ng mga Judio. Napakahusay ng kanilang pangangaral kaya't maraming Judio at Griego ang sumampalataya. 2 Gayunman, may ilang Judiong ayaw sumampalataya. Sinulsulan pa nila ang mga Hentil at nilason ang isip ng mga ito laban sa mga kapatid.
Read full chapter