Add parallel Print Page Options

15 Matapos ang pagbasa mula sa Kautusan at sa Mga Propeta, nagpasabi sa kanila ang mga tagapamahala ng sinagoga, “Mga kapatid, kung mayroon kayong salitang magpapalakas ng loob ng mga tao, sabihin ninyo.” 16 Kaya't tumindig si Pablo at matapos senyasan ang mga tao upang tumahimik, ay nagsabi,

“Mga Israelita, at kayong may takot sa Diyos, makinig kayo. 17 Ang (A) Diyos ng bayang ito ng Israel ang humirang sa ating mga ninuno, at sila'y ginawa niyang malaking bansa nang sila'y nakipamayan sa Ehipto. At sa pamamagitan ng kanyang dakilang kapangyarihan, sila'y inilabas doon.

Read full chapter