Add parallel Print Page Options

Nang makita niyang ito'y ikinatuwa ng mga Judio, ipinadakip naman niya si Pedro. Pista noon ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Pagkatapos dakpin si Pedro, ikinulong siya sa bilangguan at pinabantayan sa apat na pangkat na mga kawal. Balak ni Herodes na iharap siya sa taong-bayan pagkatapos ng Paskuwa. Habang nasa bilangguan si Pedro, nagkaroon ng taimtim na pananalangin sa Diyos ang iglesya para sa kanya.

Read full chapter