Add parallel Print Page Options

Si Pedro at si Cornelio

10 Sa Cesarea ay may isang lalaki na ang pangalan ay Cornelio, isang senturion ng tinatawag na pulutong Italiano;

isang taong masipag sa kabanalan at may takot sa Diyos kasama ang kanyang buong sambahayan, naglilimos ng marami sa mga tao, at laging nananalangin sa Diyos.

Minsan, nang may oras na ikasiyam ng araw,[a] nakita niyang maliwanag sa isang pangitain ang isang anghel ng Diyos na dumarating at sinasabi sa kanya, “Cornelio.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Gawa 10:3 o mag-iikatlo ng hapon sa makabagong pagbilang ng oras .