Add parallel Print Page Options

Dininig naman sila ni Yahweh. Kaya, nang mabihag nila ang mga Cananeo ay winasak nga nila ang lunsod ng mga ito, at tinawag nilang Horma[a] ang lugar na iyon.

Ang mga Makamandag na Ahas

Mula(A) sa Bundok ng Hor, nagpatuloy ang mga Israelita patungong Dagat na Pula[b] upang iwasan ang Edom. Subalit nainip sila sa pasikut-sikot na paglalakbay. Nagreklamo sila sa Diyos at kay Moises, “Inilabas mo ba kami sa Egipto upang mamatay lamang sa ilang na ito? Wala kaming makain ni mainom! Suyang-suya na kami sa walang kuwentang pagkaing ito.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Bilang 21:3 HORMA: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng pangalang ito ay “pagkawasak”.
  2. Mga Bilang 21:4 Dagat na Pula: o kaya'y Dagat ng mga Tambo .