Font Size
Mga Bilang 21:21-23
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Bilang 21:21-23
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Nalupig ng Israel sina Haring Sihon at Og(A)
21 Ang mga Israelita'y nagsugo kay Haring Sihon, isang Amoreo. Ipinasabi nila, 22 “Maaari po bang makiraan kami sa inyong lupain? Hindi po kami daraan sa alinmang bukirin o ubasan, ni iinom sa inyong balon. Sa Lansangan ng Hari po kami daraan hanggang sa makalampas kami sa inyong nasasakupan.” 23 Subalit hindi sila pinahintulutan ni Haring Sihon; sa halip, tinipon niya ang kanyang hukbo at sinalakay ang mga Israelita sa Jahaz.
Read full chapter