Add parallel Print Page Options

Kaya ang mga Israelita'y gumawa ng panata kay Yahweh. Sabi nila, “Tulungan ninyo kaming talunin ang mga taong ito at wawasakin namin ang kanilang mga lunsod para sa iyo.” Dininig naman sila ni Yahweh. Kaya, nang mabihag nila ang mga Cananeo ay winasak nga nila ang lunsod ng mga ito, at tinawag nilang Horma[a] ang lugar na iyon.

Ang mga Makamandag na Ahas

Mula(A) sa Bundok ng Hor, nagpatuloy ang mga Israelita patungong Dagat na Pula[b] upang iwasan ang Edom. Subalit nainip sila sa pasikut-sikot na paglalakbay.

Read full chapter

Footnotes

  1. 3 HORMA: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng pangalang ito ay “pagkawasak”.
  2. 4 Dagat na Pula: o kaya'y Dagat ng mga Tambo .