Font Size
Mga Bilang 19:10-12
Magandang Balita Biblia
Mga Bilang 19:10-12
Magandang Balita Biblia
10 Ang kasuotan ng mag-iipon ng abo ay lalabhan at ituturing din siyang marumi hanggang sa kinagabihan. Ang tuntuning ito'y susundin ng lahat habang panahon, para sa mga Israelita at maging sa mga dayuhang naninirahan sa bayan nila.
Mga Dapat Gawin Kapag Nakahawak ng Patay
11 “Sinumang makahawak sa patay ay ituturing na marumi sa loob ng pitong araw. 12 Upang maging malinis muli, kailangang linisin niya ang kanyang sarili sa ikatlo at ikapitong araw sa pamamagitan ng tubig na inilaan para dito. Kapag hindi niya ginawa ito, hindi siya magiging malinis.
Read full chapter
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.