Font Size
Mga Bilang 16:3-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Bilang 16:3-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
3 Hinarap nila sina Moises at Aaron at sinabi, “Sobra na 'yang ginagawa ninyo! Lahat ng nasa kapulungang ito ay nakalaan kay Yahweh at siya ay nasa kalagitnaan natin! Bakit itinataas ninyo ang inyong sarili higit pa sa kapulungang ito?”
4 Nang marinig ito ni Moises, nagpatirapa siya sa lupa. 5 Sinabi niya kina Korah, “Bukas ng umaga, ipapakita sa inyo ni Yahweh kung sino ang tunay na nakalaan sa kanya at kung sino lamang ang maaaring lumapit sa kanya. Ang makakalapit lamang sa kanya ay ang kanyang pinili.”
Read full chapter