18 Sapagkat (A) hindi pa kayo lumapit sa bundok na nahahawakan, sa apoy na nagliliyab, sa kadiliman, sa kapanglawan, at sa unos, 19 sa tunog ng trumpeta, at sa tinig na ang mga nakarinig ay nakiusap na huwag na itong magsalita pa ng anuman sa kanila.

Read full chapter

Mula (A) sa trono ay may nanggagaling na mga siklab ng kidlat, mga ingay at mga dagundong ng kulog. At sa harapan ng trono ay may pitong nag-aapoy na sulo. Ang mga ito'y ang pitong espiritu ng Diyos;

Read full chapter

(A) Kinuha ng anghel ang lalagyan ng insenso at pinuno ito ng apoy mula sa dambana at itinapon ito sa lupa. Noon di'y kumulog, nagkaingay, kumidlat at lumindol.

Read full chapter

19 Pagkatapos ay (A) nabuksan ang templo ng Diyos sa langit, at nahayag ang kaban ng tipan. Gumuhit ang mga kidlat, nagkaingay, dumagundong ang mga kulog, lumindol, at umulan ng mga tipak ng yelo.

Read full chapter