Font Size
Mga Awit 74:13-15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Awit 74:13-15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
13 Sa(A) lakas na iyong taglay hinati mo yaong dagat,
at ang mga naroroong dambuhala ay inutas;
14 ikaw(B) na rin ang dumurog sa mga ulo ng Leviatan,[a]
at ginawa mong pagkain ng mga nilikhang nasa ilang.
15 Mga batis, mga bukal, ikaw rin ang nagpadaloy,
ginawa mong tuyong lupa ang maraming ilog doon.
Footnotes
- 14 LEVIATAN: Isang mala-alamat na dambuhalang halimaw sa karagatan na sumisimbolo sa kaguluhan at kasamaan.