Nagkatawang tao ang Salita

Noong simula pa lamang ay naroon na ang Salita, at ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. Kasama na niya ang Diyos noong simula pa. Nilikha ang lahat ng mga bagay sa pamamagitan niya, at kung wala siya, walang anumang nilikha. Ang lahat ng nilikha

Read full chapter

16 sapagkat sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat ng bagay na nasa langit at nasa lupa, ang mga bagay na nakikita at ang mga hindi nakikita, maging ang mga trono o mga pamamahala, o mga pamunuan o mga may kapangyarihan—lahat ng bagay ay nilikha sa pamamagitan niya at para sa kanya. 17 Siya mismo ay una sa lahat, at ang lahat ng mga bagay ay nananatiling sama-sama sa pamamagitan niya.

Read full chapter

10 Sinabi (A) rin niya,

“Ikaw, Panginoon, ang sa simula pa'y nagtatag ng sandigan ng sanlibutan,
    at ang mga langit ay gawa ng iyong mga kamay.

Read full chapter

Sa (A) pamamagitan ng pananampalataya ay nauunawaan natin na ang sanlibutan ay nilikha sa pamamagitan ng salita ng Diyos, anupa't ang mga bagay na nakikita ay nilikha mula sa mga bagay na hindi nakikita.

Read full chapter