Add parallel Print Page Options

23 “Nang(A) siya'y apatnapung taong gulang na, naisipan niyang[a] dalawin ang kanyang mga kapatid, na mga anak ni Israel.

24 Nang makita niya na ang isa sa kanila ay pinahihirapan, kanyang ipinagtanggol at ipinaghiganti ang inaapi sa pamamagitan ng pagpatay sa Ehipcio.

25 Noon ay inisip niya na naunawaan ng kanyang mga kababayan[b] na ibinigay ng Diyos sa kanila ang kaligtasan sa pamamagitan niya,[c] ngunit hindi nila naunawaan.

26 Nang sumunod na araw, lumapit siya sa kanila samantalang sila'y nag-aaway, at ibig sana niyang sila'y pagkasunduin, na sinasabi, ‘Mga ginoo, kayo'y magkapatid; bakit kayo nag-aaway?’

27 Ngunit itinulak siya ng nanakit sa kanyang kapwa, na sinasabi, ‘Sino ang naglagay sa iyo na pinuno at hukom sa amin?

28 Ibig mo ba akong patayin, gaya ng pagpatay mo kahapon sa Ehipcio?’

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Gawa 7:23 Sa Griyego ay dumating sa kanyang puso na .
  2. Mga Gawa 7:25 Sa Griyego ay kapatid .
  3. Mga Gawa 7:25 Sa Griyego ay ng kamay niya .