Mga Gawa 18:8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
8 Si Crispo, na tagapamahala ng sinagoga, at ang kanyang sambahayan ay nanalig sa Panginoon. Marami pang mga taga-Corinto na nakinig kay Pablo ang sumampalataya at nagpabautismo.
Read full chapter
Mga Gawa 18:8
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
8 Sumampalataya sa Panginoon si Crispo na pinuno ng sinagoga, kasama ang kanyang buong sambahayan. Sumampalataya at nabautismuhan ang maraming taga-Corinto dahil sa pakikinig kay Pablo.
Read full chapter
Mga Gawa 19:29
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
29 Kaya't nagkagulo ang mga tao sa buong lungsod; sama-sama silang sumugod sa tanghalan at kinaladkad nila roon sina Gaius at Aristarco, mga taga-Macedoniang kasama ni Pablo sa paglalakbay.
Read full chapter
Mga Gawa 19:29
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
29 Nagkagulo sa buong lungsod at sama-sama nilang nilusob ang tanghalan, at sinunggaban sina Gaio at Aristarco, mga taga-Macedonia, na kasama ni Pablo sa paglalakbay.
Read full chapter
Roma 16:23
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
23 Kinukumusta(A) kayo ni Gaius na tinutuluyan ko; sa bahay niya nagtitipon ang buong iglesya. Kinukumusta rin kayo ni Erasto na ingat-yaman ng lungsod, at ng ating kapatid na si Cuarto.
Read full chapter
Roma 16:23
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
23 Binabati (A) kayo ni Gaio na tinutuluyan ko, at ng buong iglesya. Binabati kayo ni Erasto na ingat-yaman ng lungsod, at ng kapatid na si Cuarto.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.