Mga Gawa 12:12
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
12 Nang maunawaan niya ang nangyari, nagpunta siya sa bahay ni Maria na ina ni Juan na tinatawag ding Marcos. Maraming nagkakatipon doon at nananalangin.
Read full chapter
Mga Gawa 12:25
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
25 Nang matapos nina Bernabe at Saulo ang kanilang tungkulin, bumalik sila sa Jerusalem[a] kasama si Juan na tinatawag ding Marcos.
Read full chapterFootnotes
- 25 sa Jerusalem: Sa ibang manuskrito'y mula sa Jerusalem at sa iba pang mga manuskrito'y mula sa Jerusalem patungong Antioquia .
Mga Gawa 13:13
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Sa Antioquia sa Pisidia
13 Mula sa Pafos, naglayag sina Pablo hanggang sa Perga sa Pamfilia; humiwalay naman sa kanila si Juan[a] at nagbalik sa Jerusalem.
Read full chapterFootnotes
- 13 JUAn: Ang Juan na ito ay tinatawag ding Marcos (tingnan ang 12:12).
Mga Gawa 15:37-39
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
37 Nais ni Bernabe na isama si Juan na tinatawag ding Marcos. 38 Ngunit(A) ayaw ni Pablo, sapagkat hindi ito nagpatuloy na sumama sa kanilang gawain, sa halip, ito'y humiwalay sa kanila sa Pamfilia. 39 Nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo kaya't naghiwalay sila. Isinama ni Bernabe si Marcos at naglayag sila papuntang Cyprus.
Read full chapter
Colosas 4:10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
10 Kinukumusta(A) kayo ni Aristarco, na bilanggo ring kasama ko, at ni Marcos na pinsan ni Bernabe. Tungkol naman kay Marcos, mayroon nang bilin sa inyo na malugod ninyo siyang tanggapin pagdating niya riyan.
Read full chapter
Filemon 24
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
24 Kinukumusta(A) ka rin nina Marcos, Aristarco, Demas, at Lucas, na mga kasama ko sa gawain.
Read full chapter