Add parallel Print Page Options

Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Tipunin mo ang lipi ni Levi at italaga mo sila bilang katulong ni Aaron. Tutulungan nila si Aaron sa mga gawain sa Toldang Tipanan at ang mga mamamayan sa kanilang paghahandog. Sila ang mangangasiwa sa mga kagamitan sa loob ng Toldang Tipanan at sila rin ang tutulong sa mga Israelita sa kanilang pagsamba. Ang tanging tungkulin ng mga Levita ay ang tumulong kay Aaron at sa kanyang mga anak sa gawain nila sa Toldang Tipanan.

Read full chapter