Add parallel Print Page Options

26 Gayundin sa araw ng mga unang bunga, sa paghahandog ninyo ng handog na bagong butil sa Panginoon sa inyong pista ng mga sanlinggo, ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagtitipon, huwag kayong gagawa ng anumang mabigat na gawain,

27 kundi kayo'y maghahandog ng isang handog na sinusunog na mabangong samyo sa Panginoon; dalawang batang toro, isang lalaking tupa, at pitong korderong lalaki na isang taong gulang.

28 Ang(A) handog na butil, na piling harina na hinaluan ng langis ay tatlong ikasampung bahagi para sa bawat toro, dalawang ikasampung bahagi sa isang lalaking tupa,

29 isang ikasampung bahagi sa bawat kordero para sa pitong kordero;

30 isang kambing na lalaki upang ipantubos sa inyo.

31 Bukod pa sa palagiang handog na sinusunog, at sa handog na butil niyon, ay inyong ihahandog ang mga iyon kasama ang mga inuming handog. Ang mga ito ay dapat walang kapintasan.

Read full chapter