Add parallel Print Page Options

Tumutol ang Buong Kapulungan

14 Kaya't ang buong kapulungan ay sumigaw nang malakas; at ang taong-bayan ay umiyak nang gabing iyon.

At nagreklamo ang lahat ng mga anak ni Israel laban kina Moises at Aaron. Sinabi sa kanila ng buong sambayanan, “Namatay na sana tayo sa lupain ng Ehipto! O kaya'y namatay na sana tayo sa ilang na ito!

Bakit kaya tayo dinala ng Panginoon sa lupaing ito, upang tayo'y bumagsak sa tabak? Ang ating mga asawa at ang ating mga anak ay magiging biktima. Hindi ba mas mabuti para sa atin na tayo'y magbalik sa Ehipto?”

Kaya't sinabi nila sa isa't isa, “Maglagay tayo ng isang pinuno at tayo'y magbalik sa Ehipto.”

Read full chapter

Hindi Nanampalataya ang Kapulungan

26 “Gayunma'y(A) hindi kayo umakyat, kundi naghimagsik kayo laban sa utos ng Panginoon ninyong Diyos,

27 at kayo'y nagbulung-bulungan sa inyong mga tolda, at sinabi, ‘Dahil kinapootan tayo ng Panginoon, kanyang inilabas tayo sa lupain ng Ehipto upang tayo'y ibigay sa kamay ng mga Amoreo upang tayo'y lipulin.

28 Saan tayo aahon? Pinapanghina ng ating mga kapatid ang ating puso, na sinasabi, “Nakita namin doon ang mga taong malalaki at matataas kaysa atin. Ang mga bayan ay malalaki at may pader hanggang sa langit, gayundin nakita namin ang mga anak ng Anakim roon.”’

29 Nang magkagayo'y sinabi ko sa inyo, ‘Huwag kayong mangilabot ni matakot sa kanila.

30 Ang Panginoon ninyong Diyos, na nangunguna sa inyo ay siyang makikipaglaban para sa inyo, gaya ng kanyang ginawa para sa inyo sa Ehipto sa inyong harapan,[a]

31 at(B) sa ilang, na doon ay inyong nakita kung paanong dinala kayo ng Panginoon ninyong Diyos, na gaya ng pagdadala ng tao sa kanyang anak, sa lahat ng daang inyong nilakaran hanggang sa makarating kayo sa dakong ito.’

32 Gayunma'y(C) sa kabila ng bagay na ito ay hindi kayo sumampalataya sa Panginoon ninyong Diyos,

33 na nanguna sa inyo sa daan, upang ihanap kayo ng dakong mapagtatayuan ng inyong mga tolda na nasa apoy kapag gabi, at nasa ulap kapag araw, upang ituro sa inyo ang daang dapat ninyong lakaran.

Read full chapter

Footnotes

  1. Deuteronomio 1:30 Sa Hebreo ay sa harapan ng inyong mga mata .