Add parallel Print Page Options

Lagi kong pinananatili ang Panginoon sa aking harapan;
    hindi ako matitinag, sapagkat siya ay nasa aking kanan.

Kaya't ang aking puso ay masaya, at nagagalak ang aking kaluluwa;
    ang akin namang katawan ay tatahang payapa.
10 Sapagkat(A) ang aking kaluluwa sa Sheol ay hindi mo iiwan,
    ni hahayaan mong makita ng iyong banal ang Hukay.

Read full chapter

40 Sapagkat(A) kung paanong si Jonas ay nasa tiyan ng isang dambuhala sa dagat[a] sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi, gayundin naman ang Anak ng Tao ay tatlong araw at tatlong gabing mapapasailalim ng lupa.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 12:40 o balyena .

24 Ngunit(A) siya'y muling binuhay ng Diyos, pagkatapos palayain sa mga hirap ng kamatayan, sapagkat hindi maaaring siya'y mapigilan nito.

25 Sapagkat(B) sinasabi ni David tungkol sa kanya,

‘Nakita ko ang Panginoon na laging kasama ko,
    sapagkat siya'y nasa aking kanang kamay, upang huwag akong matinag;
26 kaya't nagalak ang aking puso, at natuwa ang aking dila;
    gayundin ang aking katawan ay mananatiling may pag-asa.
27 Sapagkat hindi mo hahayaan ang kaluluwa ko sa Hades,
    ni ipahihintulot man na ang iyong Banal ay makakita ng kabulukan.
28 Ipinaalam mo sa akin ang mga daan ng buhay;
    pupuspusin mo ako ng kagalakan sa iyong harapan.’

29 “Mga kapatid, may tiwalang masasabi ko sa inyo ang tungkol sa patriyarkang si David. Siya rin ay namatay at inilibing, at nasa atin ang kanyang libingan hanggang sa araw na ito.

30 Yamang(C) siya'y isang propeta at nalalaman niyang nangako ang Diyos sa kanya na ang isa sa kanyang mga inapo ay iluluklok niya sa kanyang trono.

31 Yamang nakita niya ito bago pa mangyari, nagsalita si David tungkol sa muling pagkabuhay ng Cristo:

‘Hindi siya pinabayaan sa Hades,
    ni ang kanya mang katawan ay nakakita ng kabulukan.’

32 Ang Jesus na ito'y muling binuhay ng Diyos, at tungkol dito'y mga saksi kaming lahat.

Read full chapter