Add parallel Print Page Options

Awit ng Pag-akyat.

130 Mula sa kalaliman, O Panginoon, ako sa iyo'y dumaing!
    Panginoon, tinig ko'y pakinggan!
    Mga pandinig mo'y makinig sa tinig ng aking mga karaingan!

Kung ikaw, Panginoon, ay magtatala ng mga kasamaan,
    O Panginoon, sino kayang makakatagal?
Ngunit sa iyo'y may kapatawaran,
    upang ikaw ay katakutan.
Ako'y naghihintay sa Panginoon, naghihintay ang aking kaluluwa,
    at sa kanyang salita ako ay umaasa;
sa Panginoon ay naghihintay ang aking kaluluwa,
    higit pa kaysa bantay sa umaga;
    tunay na higit pa kaysa bantay sa umaga.

O Israel, umasa ka sa Panginoon!
    Sapagkat sa Panginoon ay may tapat na pagmamahal,
    at sa kanya ay may saganang katubusan.
Ang(A) Israel ay tutubusin niya,
    mula sa lahat niyang pagkakasala.

'Awit 130 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.