Font Size
Mateo 9:32-34
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mateo 9:32-34
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Pinagaling ang Piping Sinasaniban ng Demonyo
32 Nang paalis na sila, dinala kay Jesus ang isang piping sinasapian ng demonyo. 33 Pinalayas ni Jesus ang demonyo at nakapagsalita agad ang pipi. Namangha ang mga tao at nasabi nila, “Kailanman ay wala pang nakitang katulad nito sa Israel!” [34 Subalit(A) sinabi naman ng mga Pariseo, “Nakapagpapalayas siya ng mga demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pinuno ng mga demonyo.”][a]
Read full chapterFootnotes
- 34 Subalit sinabi…ng mga demonyo: Sa ibang manuskrito’y hindi nakasulat ang talatang 34.