Add parallel Print Page Options

Pinagaling ang Piping Sinasaniban ng Demonyo

32 Nang paalis na sila, dinala kay Jesus ang isang piping sinasapian ng demonyo. 33 Pinalayas ni Jesus ang demonyo at nakapagsalita agad ang pipi. Namangha ang mga tao at nasabi nila, “Kailanman ay wala pang nakitang katulad nito sa Israel!” [34 Subalit(A) sinabi naman ng mga Pariseo, “Nakapagpapalayas siya ng mga demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pinuno ng mga demonyo.”][a]

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 9:34 Subalit sinabi…ng mga demonyo: Sa ibang manuskrito’y hindi nakasulat ang talatang 34.