Add parallel Print Page Options

13 Humayo kayo at pag-aralan ninyo ang kahulugan nito. Habag ang ibig ko at hindi hain sapagkat naparito ako, hindi upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan upang magsisi.

Tinanong ng mga Alagad ni Juan si Jesus Patungkol sa Pag-aayuno

14 Nang magkagayon, lumapit sa kaniya ang mga alagad ni Juan na nagsasabi: Bakit kami at ang mga Fariseo ay madalas mag-ayuno ngunit ang iyong mga alagad ay hindi nag-aayuno?

15 Sinabi ni Jesus sa kanila: Maaari bang mamighati ang mga abay sa kasalan habang kasama nila ang lalaking ikakasal? Darating ang mga araw na ang lalaking ikakasal ay aalisin sa kanila. Kung magkagayon, mag-aayuno na sila.

Read full chapter