Add parallel Print Page Options

Pinagaling ni Jesus ang Dalawang Lalaking Sinasaniban ng Masasamang Espiritu(A)

28 Nang dumating siya sa kabila ng lawa, sa lupain ng mga Gadareno,[a] sinalubong siya ng dalawang lalaking galing sa mga kwebang libingan. Ang mga lalaking itoʼy sinasaniban ng masasamang espiritu. Napakababangis nila, kaya walang nakakadaan doon. 29 Sumigaw sila kay Jesus, “Ano ang pakialam mo sa amin, ikaw na anak ng Dios? Pumunta ka ba rito para pahirapan kami nang wala pa sa takdang panahon?” 30 Sa di-kalayuan ay may malaking kawan ng baboy na nanginginain.

Read full chapter

Footnotes

  1. 8:28 Gadareno: Sa ibang tekstong Griego, Geraseno o, Gergeseno.