Add parallel Print Page Options

Pinagaling ang mga Gadarenong Inaalihan ng mga Demonyo(A)

28 Nang makarating si Jesus[a] sa kabilang pampang, sa lupain ng mga Gadareno, ay sinalubong siya ng dalawang inaalihan ng mga demonyo na lumabas mula sa mga libingan. Napakabangis nila kaya't walang makadaan doon.

29 Sila ay sumigaw na nagsasabi, “Anong gagawin mo sa amin, O Anak ng Diyos? Naparito ka ba upang pahirapan kami bago dumating ang takdang panahon?”

30 Sa may kalayuan sa kanila ay may isang kawan ng maraming baboy na nanginginain.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 8:28 Sa Griyego ay siya .