Add parallel Print Page Options

Turo tungkol sa Paghihiwalay ng Mag-asawa(A)

31 “Sinabi rin, ‘Ang sinumang lalaking magpaalis at humiwalay sa kanyang asawang babae ay dapat magbigay sa babae ng kasulatan ng paghihiwalay.’ 32 Ngunit ako ang nagsasabi sa inyo, sinumang lalaking magpaalis at humiwalay sa kanyang asawa, maliban sa kadahilanang pangangalunya ay nagtutulak sa kanyang asawa na mangalunya. At sinumang magpakasal sa babaing hiniwalayan ay nagkakasala ng pangangalunya.

Ang Turo tungkol sa Panunumpa

33 “Narinig din ninyong sinabi sa mga tao noong unang panahon, ‘Huwag kang sisira sa iyong sinumpaan, sa halip ay tutuparin mo ang iyong sinumpaan sa Panginoon.’

Read full chapter