Add parallel Print Page Options

Sinabi ng diyablo sa kaniya:Yamang ikaw ang Anak ng Diyos, tumalon ka sapagkat nasusulat:

Uutusan niya ang kaniyang mga anghel patungkol sa iyo. Bubuhatin ka at dadalhin ka ng kanilang mga kamay upang hindi tumama ang iyong paa sa bato.

Sinabi sa kaniya ni Jesus: Nasusulat din naman:

Huwag mong subukin ang Panginoon mong Diyos.

Muli siyang dinala ng diyablo sa isang napakataas na bundok. Ipinakita sa kaniya ang lahat ng paghahari sa sanli­butan at ang kaluwalhatian nito.

Read full chapter