Add parallel Print Page Options

Sinabi(A) nito sa kanya, “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka, sapagkat nasusulat,

‘Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin,
    at sa kanilang mga kamay, ika'y aalalayan,
    nang sa mga bato, paa mo'y hindi masaktan.’”

Ngunit(B) sumagot si Jesus, “Nasusulat din naman, ‘Huwag mong susubukin ang Panginoon mong Diyos.’”

Pagkatapos, dinala siya ng diyablo sa isang napakataas na bundok at ipinakita sa kanya ang lahat ng kaharian sa daigdig at ang karangyaan ng mga ito.

Read full chapter