Add parallel Print Page Options

22 Agad nilang iniwan ang bangka pati ang kanilang ama, at sumunod sa kanya.

Nangaral at Nagpagaling ng mga Maysakit si Jesus(A)

23 Nilibot ni Jesus ang buong Galilea sa pagtuturo sa mga sinagoga ng mga Judio at pagpapahayag ng Magandang Balita ng kaharian. Pinagagaling niya ang lahat ng uri ng sakit at karamdaman ng mga tao. 24 Kaya't kumalat ang balita tungkol sa kanya sa buong Syria. Dinala sa kanya ang lahat ng maysakit, ang mga pinahihirapan ng iba't ibang uri ng sakit at kirot, ang mga sinasaniban ng mga demonyo, ang mga may epilepsiya, at ang mga paralitiko. Silang lahat ay kanyang pinagaling.

Read full chapter