Add parallel Print Page Options

Tinawag ni Jesus ang mga Unang Alagad(A)

18 Habang naglalakad sa baybayin ng lawa ng Galilea, nakita ni Jesus ang magkapatid na si Simon (na binansagang Pedro) at si Andres, na naghuhulog ng lambat sa dagat, sapagkat sila ay mga mangingisda. 19 At sinabi niya sa kanila, “Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mangingisda ng mga tao.” 20 Kaagad nilang iniwan ang kanilang mga lambat at sumunod sa kanya. 21 Sa paglalakad pa niya ay nakita niya ang magkapatid na Santiago at Juan, mga anak ni Zebedeo. Nasa bangka silang kasama ang kanilang ama at nag-aayos ng mga lambat. Tinawag niya ang magkapatid. 22 Agad nilang iniwan ang bangka pati ang kanilang ama, at sumunod sa kanya.

Read full chapter

nakita niya ang dalawang bangkang nakadaong sa tabi ng lawa. Wala na sa mga bangka ang mga mangingisda dahil naghuhugas na ng kanilang mga lambat. Sinakyan niya ang bangka na pag-aari ni Simon. Hiniling niya kay Simon na sumagwan nang kaunti palayo sa lupa. Umupo siya at nagturo sa mga tao mula sa bangka. Nang matapos siyang magsalita, sinabi niya kay Simon, “Dumako kayo sa malalim at ihulog ninyo ang inyong mga lambat upang makahuli.” Sumagot si Simon, “Ginoo, buong magdamag po kaming nagtiyaga ngunit wala kaming nahuli. Subalit dahil sa inyong utos, ihuhulog ko ang lambat.” Pagkagawa nila nito, nakahuli sila ng napakaraming isda na halos ikapunit ng kanilang mga lambat. Kaya't kinawayan nila ang kanilang mga kasamahan sa kabilang bangka upang lumapit at tumulong sa kanila. Lumapit nga ang mga ito at pinuno nila ang dalawang bangka hanggang sa halos lumubog na ang mga ito. Nang makita ito ni Simon Pedro, lumuhod siya sa harap ni Jesus habang sinasabi, “Lumayo po kayo sa akin, Panginoon, sapagkat ako'y taong makasalanan.” Sapagkat siya at ang lahat ng kanyang mga kasama ay namangha dahil sa nahuli nilang mga isda, 10 gayundin ang mga anak ni Zebedeo na sina Santiago at Juan, na mga kasosyo ni Simon. Sinabi ni Jesus kay Simon, “Huwag kang matakot. Mula ngayon, ikaw ay magiging tagapangisda na ng mga tao.” 11 Nang maidaong na nila sa lupa ang mga bangka, iniwan nila ang lahat at sumunod kay Jesus.

Read full chapter

40 Isa sa dalawang nakarinig sa sinabi ni Juan at sumunod kay Jesus ay si Andres na kapatid ni Simon Pedro. 41 Una niyang hinanap ang kapatid niyang si Simon at sinabi niya sa kanya, “Natagpuan na namin ang Mesiyas” (na ang katumbas ay Cristo). 42 Siya'y dinala niya kay Jesus. Tumingin si Jesus sa kanya at sinabi, “Ikaw si Simon na anak ni Juan. Ang itatawag na sa iyo ay Cefas[a] ”(na ang katumbas ay Pedro).

Read full chapter

Footnotes

  1. Juan 1:42 Cefas salitang Aramaiko na ang kahulugan ay bato.