Add parallel Print Page Options

38 at sinabi niya sa kanila, “Para akong mamamatay sa labis na kalungkutan. Dito lang kayo at magpuyat.” 39 Lumayo siya nang kaunti, lumuhod at nanalangin, “Ama ko, kung maaari po ay ilayo nʼyo sana sa akin ang mga paghihirap na darating.[a] Ngunit hindi ang kalooban ko ang masunod kundi ang kalooban ninyo.”

40 Binalikan ni Jesus ang tatlo niyang tagasunod at dinatnan niya silang natutulog. Sinabi niya kay Pedro, “Hindi ba talaga kayo makapagpuyat na kasama ko kahit isang oras lang?

Read full chapter

Footnotes

  1. 26:39 ang mga paghihirap na darating: sa literal, ang kopang ito.