Add parallel Print Page Options

19 At ginawa ng mga alagad ang ayon sa ipinag-utos sa kanila ni Jesus, at inihanda nila ang paskuwa.

20 Pagsapit ng gabi, umupo siyang kasalo ng labindalawang alagad.[a]

21 At samantalang sila'y kumakain ay sinabi niya, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na isa sa inyo ay magkakanulo sa akin.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 26:20 Sa ibang mga kasulatan ay wala ang salitang alagad .