Add parallel Print Page Options

35 Ang langit at ang lupa ay maglalaho, ngunit ang mga salita ko ay mananatili magpakailanman.”[a]

Walang Taong Nakakaalam Kung Kailan Babalik si Jesus(A)

36 “Tungkol sa araw o oras ng aking pagbabalik, walang nakakaalam nito, kahit ang mga anghel sa langit o ako mismo na Anak ng Dios. Ang Ama lang ang nakakaalam nito. 37 Kung ano ang mga ginawa ng mga tao noong kapanahunan ni Noe ay ganoon din ang gagawin ng mga tao sa pagdating ko na Anak ng Tao.

Read full chapter

Footnotes

  1. 24:35 mananatili magpakailanman: Ang ibig sabihin, tiyak na matutupad.