Add parallel Print Page Options

34 Dahil dito, narito, magsusugo ako sa inyo ng mga propeta, mga pantas na lalaki at mga guro ng kautusan. Ang ilan sa kanila ay inyong papatayin at ipapako sa krus. Ang ilan sa kanila ay inyong hahagupitin sa inyong mga sinagoga at uusigin sa bawat lungsod. 35 Ito ay upang dumating sa inyo ang dugo ng lahat ng mga matuwid na nabuhos sa lupa. Ito ay mula pa sa dugo ni Abel, angmatuwid, hanggang sa dugo ni Zacarias na anak ni Baraquias. Si Zacarias ang inyong pinatay sa pagitan ng templo at ng altar. 36 Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Ang lahat ng mga bagay na ito ay darating sa lahing ito.

Read full chapter