Add parallel Print Page Options

Kaya't gawin ninyo ang itinuturo nila at sundin ang kanilang iniuutos, ngunit huwag ninyong tularan ang kanilang ginagawa sapagkat hindi nila isinasagawa ang kanilang ipinapangaral. Nagpapataw sila ng mabibigat na pasanin sa mga tao, ngunit ni daliri ay ayaw nilang igalaw upang tumulong sa pagpasan ng mga iyon. Pawang(A) pakitang-tao ang kanilang mga gawa. Nilalaparan nila ang mga lalagyan ng talata sa kanilang noo at braso, at hinahabaan ang palawit sa laylayan ng kanilang mga damit.[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. 5 PALAWIT SA...DAMIT: Naglalagay ang mga Judio ng palawit sa laylayan ng kanilang damit bilang simbolo ng kanilang pagmamahal sa Diyos (Mga Bilang 15:37-41).