Font Size
Mateo 23:3-5
Magandang Balita Biblia
Mateo 23:3-5
Magandang Balita Biblia
3 Kaya't gawin ninyo ang itinuturo nila at sundin ang kanilang iniuutos, ngunit huwag ninyong tularan ang kanilang ginagawa sapagkat hindi nila isinasagawa ang kanilang ipinapangaral. 4 Nagpapataw sila ng mabibigat na pasanin sa mga tao, ngunit ni daliri ay ayaw nilang igalaw upang tumulong sa pagpasan ng mga iyon. 5 Pawang(A) pakitang-tao ang kanilang mga gawa. Nilalaparan nila ang mga lalagyan ng talata sa kanilang noo at braso, at hinahabaan ang palawit sa laylayan ng kanilang mga damit.[a]
Read full chapterFootnotes
- Mateo 23:5 PALAWIT SA...DAMIT: Naglalagay ang mga Judio ng palawit sa laylayan ng kanilang damit bilang simbolo ng kanilang pagmamahal sa Diyos (Mga Bilang 15:37-41).
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.