Add parallel Print Page Options

Kaya't gawin at sundin ninyo ang lahat ng mga sinasabi nila sa inyo, ngunit huwag ninyong gawin ang mga ginagawa nila, sapagkat hindi nila ginagawa ang sinasabi nila.

Nagtatali sila ng mabibigat na pasanin at mahihirap dalhin,[a] at ipinapatong nila sa mga balikat ng mga tao; ngunit ayaw nila mismong galawin ang mga iyon ng kanilang daliri.

Ginagawa(A) nila ang lahat ng kanilang mga gawa upang makita ng mga tao; sapagkat pinalalapad nila ang kanilang mga pilakteria,[b] at pinahahaba ang mga laylayan ng kanilang mga damit.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 23:4 Sa ibang mga kasulatan ay wala ang mahihirap dalhin .
  2. Mateo 23:5 PILAKTERIA: Maliit na sisidlang balat na naglalaman ng mga pinagsulatan ng mga talata ng kasulatan na inilalagay sa kaliwang braso at sa noo.