Add parallel Print Page Options

35 At isa sa kanila, na isang dalubhasa sa Kautusan, ay nagtanong sa kanya upang siya'y subukin. 36 “Guro, alin po ba ang pinakadakilang utos sa Kautusan?” 37 At (A) sinabi niya sa kanya, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. 38 Ito ang dakila at pangunahing utos. 39 At katulad nito (B) ang pangalawa, ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.’ 40 Nakabatay sa (C) dalawang utos na ito ang buong Kautusan at ang mga propeta.”

Read full chapter

Ang Pangunahing Utos(A)

28 Lumapit ang isang tagapagturo ng Kautusan at narinig ang kanilang pagtatalo. Nakita niyang mahusay ang pagsagot ni Jesus sa mga Saduceo, kaya siya ay nagtanong, “Ano ang pangunahing utos sa lahat?” 29 Sumagot (B) si Jesus, “Ang pangunahing utos ay ito: ‘Makinig ka, Israel! Ang Panginoon na ating Diyos ay iisang Panginoon. 30 Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang iyong buong puso, nang iyong buong kaluluwa, nang iyong buong pag-iisip, at nang iyong buong lakas.’ 31 Ang (C) pangalawa ay ito, ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.’ Wala nang ibang utos na hihigit pa sa mga ito.” 32 Sinabi (D) sa kanya ng tagapagturo ng Kautusan, “Tama ka, Guro. Batay sa katotohanan ang sinabi mo na iisa nga ang ating Panginoon at wala nang iba maliban sa kanya. 33 Ang (E) umibig sa kanya nang buong puso, buong pagkaunawa, buong lakas, at ang umibig sa kapwa gaya ng pag-ibig sa sarili, ay higit kaysa lahat ng mga handog na sinusunog at iba pang mga hain.” 34 Nang (F) makita ni Jesus na matalinong sumagot ang lalaki, sinabi niya sa kanya, “Hindi ka malayo sa kaharian ng Diyos.” Mula noon, wala nang nangahas na magtanong sa kanya.

Read full chapter