Add parallel Print Page Options

Ang Pagmamalasakit ni Jesus sa Templo(A)

12 Pumunta si Jesus sa templo at itinaboy niya ang mga nagtitinda at namimili roon. Itinaob niya ang mga mesa ng mga nagpapalit ng pera at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng mga kalapating inihahandog sa templo. 13 Sinabi niya sa kanila, “Sinasabi ng Dios sa Kasulatan, ‘Ang bahay ko ay bahay-panalanginan.’[a] Pero ginawa ninyong pugad ng mga tulisan!”[b]

14 May mga bulag at pilay na lumapit kay Jesus doon sa templo, at pinagaling niya silang lahat.

Read full chapter

Footnotes

  1. 21:13 Isa. 56:7.
  2. 21:13 Jer. 7:11.