Add parallel Print Page Options

18 “May tinig na narinig sa Rama,
    pananangis at matinding panaghoy.
Tumatangis si Raquel dahil sa kanyang mga anak;
    magpaaliw ay ayaw niya, sapagkat sila ay wala na.”

19 Pagkamatay ni Herodes, nagpakita ang isang anghel ng Panginoon kay Jose sa isang panaginip doon sa Ehipto, na nagsasabi, 20 “Bumangon ka, dalhin mo ang bata at ang kanyang ina at umuwi na kayo sa Israel. Namatay na ang mga nagnanais pumatay sa bata.”

Read full chapter