Add parallel Print Page Options

18 “Isang(A) tinig ang narinig sa Rama,
    pananangis at malakas na panaghoy,
tinatangisan ni Raquel ang kanyang mga anak;
    ayaw niyang paaliw, sapagkat wala na sila.”

Ang Pagbabalik mula sa Ehipto

19 Ngunit pagkamatay ni Herodes, ang isang anghel ng Panginoon ay nagpakita sa panaginip kay Jose sa Ehipto, na nagsasabi,

20 “Bumangon ka at dalhin mo ang sanggol at ang kanyang ina, at pumunta kayo sa lupain ng Israel, sapagkat patay na ang mga naghahangad sa buhay ng sanggol.”

Read full chapter