Add parallel Print Page Options

20 Sinabi ni Jesus sa kanila: Ito ay dahil sa hindi ninyo pananampalataya. Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Kung kayo ay may pananampalatayang tulad ng butil ng mustasa, masasabi ninyo sa bundok na ito:Lumipat ka roon, at ito ay lilipat. At walang bagay na hindi ninyo mapangyayari. 21 Ngunit ang ganitong uri ay hindi mapapaalis maliban sa pamamagitan ng panalangin at pag-aayuno.

22 Samantalang nagkakatipon sila sa Galilea, sinabi ni Jesus sa kanila: Ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo na sa mga kamay ng mga tao.

Read full chapter