Add parallel Print Page Options

20 Sinabi (A) niya sa kanila, “Maliit kasi ang inyong pananampalataya. Sapagkat tinitiyak ko sa inyo, kung mayroon kayong pananampalataya na kasinlaki ng binhi ng mustasa, sasabihin ninyo sa bundok na ito, ‘Lumipat ka roon mula rito,’ at ito'y lilipat. Walang anuman na hindi ninyo kayang gawin. 21 Ngunit hindi lumalabas ang ganitong uri ng demonyo maliban sa pamamagitan ng panalangin at pag-aayuno.”[a]

Muling Binanggit ni Jesus ang tungkol sa Kanyang Kamatayan(B)

22 Nang sila'y nagkatipon[b] sa Galilea, sinabi ni Jesus sa kanila: “Ipagkakanulo na ang Anak ng Tao sa kamay ng mga tao.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 17:21 Sa ibang manuskrito wala ang talatang ito.
  2. Mateo 17:22 Sa ibang mga manuskrito nakatira.