Add parallel Print Page Options

Ang Pagbabagong-anyo ni Jesus(A)

17 Pagkaraan(B) ng anim na araw, isinama ni Jesus si Pedro at ang magkapatid na Santiago at Juan, at sila'y umakyat sa isang mataas na bundok. Habang sila'y naroroon, nakita nilang nagbago ang anyo ni Jesus, nagliwanag na parang araw ang kanyang mukha at nagningning sa kaputian ang kanyang damit. At nakita ng tatlong alagad sina Moises at Elias na nakikipag-usap kay Jesus.

Read full chapter